Singer na tumalo kay Regine sa mga singing contest, namaalam na; May mensahe ang pamilya

- Pumanaw na ang dating kalaban ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contest na siyang tumalo sa kanya dati

- Kinumpirma ito ng kanyang pamilya nito lamang Martes, March 22 sa Facebook account nito

- Matatandaang ipinahanap dati ng Asia's Songbird si Eva sa kanyang musical-documentary na 'Regine: Roots to Riches"

Namaalam na ang dating kalaban ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez na si Eva Castillo, pagkukumpirma ng pamilya nito noong March 22, Martes ng gabi.

Si Eva ang tumalo noon kay Regine sa mga amateur singing contest na sinasalihan nito sa Bulacan at kalapit na mga probinsiya nila. Mismong ang Kapamilya singer ang umamin dito.

Nakilala ang pangalan ni Eva nang mabanggit at ipahanap siya ng Songbird para sa kayang musical-documentary na umere sa telebisyon noong May 2009. 

Ang documentary niyang "Regine: Roots to Riches" ang naging daan naman upang aminin ng singer na si Eva Castillo ang nakatalo sa kanya sa mga contest na sinasalihan nilang dalawa. 

Nag-guest rin ito sa show ni Regine sa GMA Network upang magkaroon siya ng pagkakataong makakanta muli sa entablado. Napilitan naman siyang itigil muna ang pagta-trabaho dahil noong 2014, nalaman na mayroon siya tumor sa kidney.

Taong 2017, sumabak rin ito sa kompetisyon ng Kapamilya Network sa 'Tawag ng Tanghalan' sa 'Showtime' ngunit hindi pinalad na manalo sa nasabing singing contest.

Masyadong pagdadalamhati ang naramdaman ng pamilya ni Eva nang kumpirmahin nila na si Eva ay pumanaw na habang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Center dahil umano sa karamdaman sa kanyang kidney.

“Nais po naming ipabatid sa mga pamilya at mga kaibigan ng aming mahal na nanay eva na sya po ay sumakabilang buhay na around 2 pm nito lamang pong hapon ng March 22, 2022.

“We love you and we miss you nanay eva namin Rest in Peace pahinga kana, (crying, bbroken heart emojis),” ang sabi sa post sa Facebook account ng yumaong singer.

Ang asawa ni Eva, si Abet Recto, ay pumanaw rin tatlong araw bago sumakabilang-buhay si Eva. Nakaburol naman ang labi ng singer sa bahay nila sa Tondo, Manila.

Post a Comment

Previous Post Next Post