Star Circle Quest alumna, sasabak muli sa pag-arte sa isang international web series

- Dating Kapamilya actress na si Paw Diaz, bahagi na ng bagong Singaporean web-series 

- Nilinaw niya ito sa kanyang social media sa pamamagitan ng isang post sa Instagram 

- Kasama rin niya ang ilang batikang Singaporean artists na sina Gurmit Singh, Benjamin Kheng, at Amy Cheng. 

Ang dating Kapamilya artist na si Paw Diaz ay bahagi ng paparating na Singaporean web series na "Asian Billionaires." Naka-base na ngayon si Paw sa Singapore kasama ang kanyang mga anak at asawa, matapos magpakasal noong Nobyembre 2011.

Sumikat si Diaz nang maging finalist siya ng reality talent search ng ABS-CBN na "Star Circle Quest Season 2" noong 2005. Huli siyang napanood sa local TV sa ABS-CBN afternoon television series na “Maria la del Barrio.” 

Kinumpirma ng Star Circle Quest alumna ang balita sa pamamagitan ng isang post sa social media noong Huwebes. 

Ang "Asian Billionaires” ay magpe-premiere sa Marso 11 sa YouTube na idinirek ng Singaporean actress at YouTube personality na si Annette Lee. Tampok din sa serye ang mga bituin sa Singapore na sina Gurmit Singh, Benjamin Kheng, at Amy Cheng.

"Mark your calendars!!! I am so thrilled to be a part of @annettelee’s debut web-series ‘Asian Billionaires,’” caption ni Paw sa Instagram, at idinagdag pa niya na siya ay "sobrang pinarangalan" na makatrabaho ang cast at crew ng serye.

"Special shout-out to my ate @dimplesromana as this would not have been possible if not for her! Hugs, kisses and much love to you and the family," dagdag pa ni Paw. 

Ayon sa PEP, orihinal na kasali sa cast umano si Dimples ngunit hindi na magawa ang proyekto dahil sa mga paghihigpit sa hangganan ng Singapore at Pilipinas. Ni-refer naman daw ni Dimples si Paw para sa serye.

Post a Comment

Previous Post Next Post