Vice Ganda, binayaran ang gamot ng customers sa botika: "one of the most genuine..."

- Sa pinaka-latest na vlog ni Vice Ganda, umuulan ng positibong komento galing sa mga netizens dahil sa blessings na ibinahagi nito sa mga Kapamilya

- Nagpunta sila sa isang partikular na botika kung saan binayaran nila ang bills ng customers hanggang sa magsara ito

- Sinabi ni Vice na hindi sa kanya mismo galing ang biyaya ngunit pinadaan lamang sa kanya ito ng Diyos

Nagpasa muli ng blessings ang Kapamilya star na si Vice Ganda sa pinaka-huling vlog nito sa YouTube kung saan umulan ng mga positibong reaksyon ang comments section ng nasabing video.

Lumibot kasi si Vice sa isang botika at binayaran niya ang mga biniling gamot ng mga customers nito simula nang dumating sila hanggang sa pagsara ng tinutukoy na botika.

Nagtaka pa ang ilang bumibili at hindi maitago ang galak at ngiti sa kanilang mukha dahil sa ginawa ng Unkabogable star. 

Sa huli ay humarap din si Vice sa mga customers sa pagbayad ng kanilang gamot sa counter.

Labis na labis rin ang saya ng may-ari ng botika sa kabutihang ipinamalas ni Vice dahil ayon sa kanya, karamihan daw talaga sa atin ngayon ay nahihirapan bumili ng gamot dahil sa pera.

Ani Vice, hindi mula sa kanya ang blessings ngunit ginawa lang siyang daan ng Panginoon upang bigyan ng biyaya ang iba.

"No one can't deny that Vice is one of the most genuine celebrity out there. It's very obvious by the way he speaks and acts around people. He really cares about them and wants to share the blessings that he's receiving." comment ng isa.

"This brought me to tears. So far, this is my most fave vlog of you. God bless you more Vice. Sana marami pang katulad mo." Sabi naman ng isa pang napasaya ni Vice.

Post a Comment

Previous Post Next Post