Andrea Brillantes viral muli dahil sa pag higop umano ng mantika?

- Usap-usapan na naman si Andrea Brillantes sa panibagong viral video niya

- Kamakailan lamang kasi ay inilabas na ang music video ng kantang 'Tahanan' kung saan bida si Andrea

- Ngunit mas napansin ng netizens ang tila nakakatuwang bahagi ng video

Usap-usapan muli si Andrea Brillantes dahil sa panibagong video niya mula sa isang kaka release lamang na Music video.

Kamakailan lamang nga ay inilabas na ang official music video ng kantang 'Tahanan' kung saan bida rito si Andrea Brillantes.

Mapapakinggan nga ang magandang awitin na ito sa kanilang music video ngunit tila mas nakapukaw ng pansin sa netizens ang isang pangyayari sa naturang video.

Ayon sa mga nakapanood ay nagluluto o nag pi prito ng hotdog si Andrea at saka tinikman umano ang mantika dahilan upang gawing katatawanan ito ng marami.

"Masarap po ba yung mantika?," Pabirong tanong ng netizens.

Sa kaniyang facebook page pa nga ay nagbahagi si Andrea ng mga screenshot ng naturang music video nila at tinawanan na lamang ang kantiyaw ng netizens.

Isang netizen ang sinagot ni Andrea kung bakit niya tinikman ang mantika at sinabi niyang tubig umano ang tinikman niya, hindi mantika.


"sinabawang hotdog supremacy," kumento pa ni Andrea na tila sinakyan na lamang ang mga biro ng netizens.


Panoorin ang music video rito:

Post a Comment

Previous Post Next Post