Barbie, sinang-ayunan ang “Umaasa pa tayo na baka habulin”; Umasa na magbabalikan

- Umasa pala noon si Barbie Imperial na magbabalikan sila ng dating boyfriend na si Diego Loyzaga

- Sinabi rin niyang naghintay muna siya ng isang Linggo bago sabihin sa kanyang ina ang nangyaring hiwalayan

- Nilinaw naman ng aktres na 'in good terms' sila ng aktor at mabuting magkaibigan sila ni Diego

May kwento ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa nangyaring hiwalayan nila ng dating nobyong si Diego Loyzaga. Sa guesting niya sa 'Magandang Buhay' ay ibinahagi niya kung anong nangyari sa kanya sa unang Linggo ng kanilang hiwalayan. 

Aniya, tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang mag-break sila ni Diego. Inamin rin niyang umasa rin siya noon na baka habulin pa siya ng aktor bago niya sabihin sa kanyang ina ang tunay na nangyari. 

“Ako po, parang hinintay ko ng one week. Sinolo ko talaga ‘yung break up. As in nasa kwarto lang ako. Sobrang lungkot ko talaga,” pag-amin ni Barbie.

“Alam ko po kasi kapag nasasaktan ako, mas doble talaga ‘yung sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko muna mag-isa.

“Tapos noong medyo kaya ko na nang konti, doon ko sinabi kay Mama tsaka noong sigurado na break na talaga [kami].” pagpapatuloy nito.

Naitanong naman ng Magandang Buhay host na si Jolina kung hindi pa siya sigurado noong maghiwalay sila kaya siya naghintay muna ng isang Linggo.

“May mga ganoon po kasi di ba? ‘Yung…” naputol na pagsagot niya.

Singit naman ni Melai, “Umaasa pa tayo na baka habulin.”

“Habulin. Oo. Yeah... Noong sure na parang [break na kami], sinabi ko na talaga kay Mama,” tugon ni Barbie.

Sa kabila ng pagkalungkot niya ay na-'overcome' naman na niya ito kaya naman 'sobrang happy' niya ilang buwan pagkatapos ng kontrobersyal na paghihiwalay. Tamang proseso naman ang sagot sa tamang pagmo-move on. 

“Naniniwala ako sa power ng time. Hindi mo siya dapat madaliin. Patience lang talaga,” saad ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post