Christophe Bariou, hindi alam na sikat na aktres si Nadine; Walang balak na itago ang relasyon?

- Ibinahagi ni Nadine Lustre na walang kaalam-alam noon ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isa pala siyang sikat na aktres sa Pilipinas

- Ayon din sa kanya, mayroon daw silang "common interests" kaya naman halatang-halata ang pagmamahal nila sa kalikasan at kapaligiran
 
- Wala naman daw silang balak ni Christophe na itago ang kanilang relasyon at tila naka-move on na sa hiwalayan nila ni James noong 2020

May chika ang Kapamilya star na si Nadine Lustre tungkol sa kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isang French-Filipino entrepreneur sa panayam sa kanya ng Monster RX93.1.

Matatandaang napabalita na noong August na ipinagpalit na umano ni Nadine ang ex-boyfriend niyang si James Reid taong 2021. January 2022 naman kinumpirma ni Nadine na may bago na nga siyang karelasyon.

Kwento ni Nadine sa nasabing panayam, wala raw talagang malay si Christophe na isa siyang artista dito sa Pilipinas. Dahil may pagka-ignorante umano ito kaya wala siyang kaalam-alam.

“He’s so ignorant when it comes to that so he doesn’t know anything. He didn’t know who I was,” ani Nadine.

“When I got back from Siargao, after that trip, he flew to Manila and that’s when we really like started hanging out.

“We just never stopped talking and I think that’s one of the things that I love about our dynamics.

“We always have something to talk about. It’s funny how in sync we are. We like the same things. We’re like two peas in a pod.

“We talk about a lot of stupid stuff. He loves memes, I love memes. He likes watching funny videos, I love watching funny videos. I learn a lot from him and with him it’s just always fun hanging out with him,” diin pa ng aktres.

Sa kabila ng nakakatuwang pahayag niya sa kanyang boyfriend, nilinaw din nito na wala naman silang balak na itago sa publiko ang kanilang relasyon. Alam din naman daw ng kanilang pamilya ang kanilang pag-iibigan.

“We’re always hanging out. People are always taking photos. I mean, it’s understandable because they’ve never seen me with someone else.

“So it’s kind of weird that I’m hanging out with this other dude so I get it. There’s really no intention of hiding it in the first place,” saad pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post