Claudine, ginamit umano si Rico Yan; Ogie, may ibinuking hinggil sa mga naunang isyu

- Nag-react maging ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa 'di-umano'y panggagamit ni Claudine Barretto sa yumaong aktor na si Rico Yan

- Ibinuking din nito na nagiging iba ang pinapahayag ni Claudine kung minsan kapag nagkakaroon ito ng mga isyu

- Napaisip rin si Ogie na sana raw ay hindi na ginamit ni Claudine si Rico dahil maling-mali raw talaga ang ginawa ng aktres

May reaksyon ang showbiz manager at host na si Ogie Diaz patungkol sa kinakasangkutang isyu ngayon ng aktres na si Claudine Barretto sa 'di-umano'y panggagamit niya sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Sa pinaka-huling vlog nina Ogie Diaz sa “Showbiz Update” sa YouTube kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, ay tila sinang-ayunan ng host ang sabi-sabing manggagamit si Claudine Barretto na nagsimula naman noong sinabi ng aktres na sinusuportahan din ni Rico sina Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos.

Hindi naman sumang-ayon ang writer na si Noel Ferrer sa balitang ito at ibinahaging nakasama niya umano si Rico sa anibersaryo ng EDSA People Power. Sana rin daw ay huwag nang gamitin ang aktor para sa kanyang “personal gains”.

Hirit ni Ogie, “Para lang manalo, para lang umingay ang kandidatura at mapag-usapan e kailangang gumamit ng namayapa na?”

“Alam mo, dapat talaga hindi na binanggit pa ito ni Claudine para lang patotohanan ang kanyang stand, ang kanyang choice.” pagpapatuloy nito.

Diin pa niya, “Ako, feeling ko lang Loi, for delicadeza, dapat hindi na yun binanggit pa ni Claudine kasi parang ano, makukuha ba natin yung panig ni Rico Yan sa isyung ito? Para itanong natin kay Rico Yan, through medium, ‘Rico, totoo ba yung sinasabi ni Claudine?'”

“Porke hindi na natin makakausap si Rico Yan, iko-quote natin yung isang namayapa na. Ni hindi natin alam kung sinabi ba niya [na] yun talaga ang katotohanan?”

Ibinuking din ni Ogie na minsan umano ay naglalabas ng pahayag si Claudine na taliwas ang kanyang sinasabi sa 'kabanggaan' niya sa mga ilang pagkakataong nagkakaroon ito ng isyu. 

“Kaya itong kay Rico Yan, maling mali talaga yung ginawa ni Claudine. Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan.” diin niya pa.

Post a Comment

Previous Post Next Post