Cristy Fermin, kinumpara si Paulo Avelino laban kay Paolo Contis: "Naku, Paolo Contis..."

- Ipinagkumpara ni Cristy Fermin si Paolo Contis kay Paulo Avelino sa latest vlog nito sa 'Cristy Ferminute'

- Sinabi nitong nagkaroon ng pagkakataong makadalaw si Paulo sa anak nito kahit na nasa world tour ito kasama si Ogie Alcasid

- Hindi naman napigilang magkomento ni Cristy Fermin kay Paolo Contis nang mabanggit niya ang ginawa ni Paulo

May chika ulit ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Kapamilya star na si Paulo Avelino laban sa kontrobersyal na aktor na si Paolo Contis.

Sa latest episode ng kanyang 'Cristy Ferminute', sinabi nitong kahit nasa US si Paulo ay nagawa pa rin nitong bisitahin ang anak niya kay LJ Reyes.

“Si Paulo Avelino, kung noon inierereklamo ni LJ na hindi man lang nagbibigay ng sustento sa kanilang anak, e kasi nag-show naman si Paulo Avelino sa LA kasama sila Ogie at saka si Janine (Gutierrez) na mukhang sila na ngayon, nagpunta na siya ng New York para magkita naman sila ni Aki." aniya.

Nabanggit naman ni Cristy ang pangalan ni Paolo at sinabi pang siya naman ang ico-'compare' rito.

“E mukhang si Paolo Contis naman kasi kasama pa rin ni Yen, paano niya madadalaw si Summer. Baka winter na hindi pa niya madalaw si Summer.

“Naku, Paolo Contis, ewan ko na lang. Ikaw na naman ang iko-compare dito. At least si Paolo Avelino, nag-take time. Naghanap ng panahon para makita si Aki at si LJ. Pero may puhunan din naman si Paolo Contis. Nung panahon na magkasama pa sila ni LJ Reyes, tinuring niyang tunay na anak si Aki.” saad ng kolumnista.

Post a Comment

Previous Post Next Post