Cristy Fermin, may nasabi sa itsura ni Angel Aquino: “Sobra, lalake, tibo...”

- May komento ang kilalang kolumnistang si Cristy Fermin sa Kapamilya actress na si Angel Aquino

- Sinabi nitong mapa-lalaki't tibo ay talagang hahanga sa sa ganda ni Angel

- Bukod sa pagiging maganda, nabanggit rin nila na may respeto ang aktres at may katalinuhan din

Ipinag-diinan ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na may kagandahan talaga ang Kapamilya actress na si Angel Aquino na napapanood gabi-gabi sa 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Nabanggit din nina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Morly Alino ang pangalan ni Angel Aquino na nagkakaroon ng chismis umano na siya ay parte ng malaking community ng LGBT.

Pinuri naman ni Romel si Angel dahil sa itsura nito at sinang-ayunan naman agad ito ni Morly sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na!”.

"Napakaganda nito," sabi ni Romel

 "Ang ganda ng mukha." sagot naman ni Morly.

"Sobra, lalake, tibo... Ang ganda naman kasi ni Angel Aquino. Parang ang sarap niyang mahalin," ang sabi naman ng host na si Cristy Fermin.

Bukod sa pagkakaroon ng kagandahan, marespeto at matalino daw ang aktres kaya naman masarap itong kapanayam. Gabi-gabi naman siya napapanood sa Kapamilya sa 'FPJ's Ang Probinsyano' kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at Sharon Cuneta.

Post a Comment

Previous Post Next Post