Elisse, binalaan si McCoy sa bagong Vivamax film; Bawal ang makipaghalikan, love scene?

- May babala ang aktres na si Elisse Joson sa nobyo nitong si McCoy de Leon sa pakikipaghalikan at pagkakaroon ng love scene ng aktor

- Inamin nitong hindi pwedeng may intimate scenes si McCoy dahil aminado rin itong may pagka-selosa siya

- First time nga rin daw nila na magkatrabaho ulit at may batang 'maiiwan'

Sa nagdaang virtual mediacon ng bagong proyekto nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nagkaroon ng chikahan sa pagitan nila at sa kanilang pelikulang "Habangbuhay".

Nagkaroon pa nga daw sila ng second thoughts na gawin ang pelikulang pinroduce ng Viva Films dahil sa pandemic at ngayong kasama nila si baby Felize. Ang 'Habangbuhay' naman ay ididirek ni Real Florindo at mapapanood sa Vivamax ngayong Abril.

“Ang haba po ng process before we actually were able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga, we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic tapos may baby kaming kasama,” sabi ni Elisse.

Baka nga umano hindi bumagay sa McLisse ang karakter sa istorya ng pelikula dahil pang-estudyante ang kuwento nito. Ngunit napag-isipan nila na maswerte sila lalo na ngayong may krisis at maraming walang trabaho.

“Nakakatuwa po na seeing the sneek peek, pwede pa pala,” natatawang saad ni Elisse.

Sa kabilang banda, may pakiusap naman si McCoy sa mga artistang may karelasyon na huwag na maghiwalay dahil nadadamay siya sa mga isyu.

“Kapag may mga issue sa akin napupunta ‘yong duda, e. Sabi ko, ‘Nanay, hindi ko alam ito.’ Ganu’n, ganu’n s’ya. Kaya sa mga artista, wag na kayo maghiwalay nadadamay ako. Hahaha!” ani ng tawang-tawang McCoy.

“Lagi kong sini-secure sa kanya na, ‘Wag mong pansinin yong mga yan ang isipin natin paano tayo mabubuhay, paano natin mapapasaya ’yong anak natin, ang bawat isa sa atin. Alagaan natin ’yong relationship natin.” dagdag nito.

Sagot naman ni Elisse, “Ang kailangan lang naman talaga is you both feel secured with each other. Okay naman ’yon kahit may news pa from other people na hiwalayan. Hindi na ’yan makakaapekto sa inyo."

Hindi nga rin daw pwedeng magkaroon ng kissing at love scenes sa pelikula si McCoy dahil nga may pagka-selosa ito. “Selosa po ako. Hahaha! Pero ’yon nga, depende sa kung ano ’yong material na ibibigay kay McCoy.”

Sambit ng aktor, “Siya raw mag-a-approve. Hahahahaha!”

Post a Comment

Previous Post Next Post