Gerald Anderson niregaluhan ng magarang motorsiklo ang longtime PA sa kaarawan nito

- Masayang ibinahagi ni Gerald Anderson ang video niya sa Instagram 

- Ang naturang video ay ang pagbibigay regalo niya sa longtime PA niyang Jalal Laidan

- Labis labis ang pasasalamat ni Jalal sa aktor sa regalong motorsiklo para sa kaniya

Masayang ibinahagibni Gerald Anderson ang video niya sa kaniyang Instagram account kung saan ipinakikita nito ang sorpresang regalo niya para sa kaniyang longtime PA at kaibigan na ring si Jalal Laidan.

Ikinuwento ni Gerald na matagal na umanong pangarap ni Jalal ang magkaroon ng sariling motorsiklo na Black Yamaha Aerox 155.

"Matagal na niyang pangarap iyan so pagbibigyan naman natin siya, ang anak ng sultan," ani Gerald.

Sa naturang video nga ay mapapanood ang paglabas ni Jalal mula sa kanilang bahay na sinalubong si Gerald habang nakasakay ito sa motorsiklo, maya maya pa'y kumanta na si Gerald ng 'Happy Birthday'.

Labis labis na kasiyahan ang makikita sa mukha ni Jalal dahil sa pangyayaring iyon at walang humpay na yakap at pasasalamat ang sinabi nito sa aktor.

"Thank you Ge, thank you. Thank you, brother," ang mga nasambit ni Jalal.

Sa kaniyang Instagram account pa nga ay ibinahagi ni Jalal ang pasasalamat pa niya sa aktor dahil sa regalong ibinigay sa kaniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post