Isang senador tinatraydor umano si Robin; Mariel sinabing sana ay walang dayaan sa Halalan

- Ichinika ni Ogie Diaz na mayroong senador na tila tinatraydor ang tumatakbong si Robin Padilla ngunit ayaw na umano nilang banggitin kung sinong senador ang tinutukoy

- Ang masama pa nga rito ay kapartido pa ni Robin ang nakikipagkaibigan sa kanyang senador pero ayaw talaga umano nito kay Robin

- May sagot naman si Mariel Padilla patungkol dito, aniya, sana raw ay walang dayaang mangyari sa nalalapit na Halalan

Muli na namang nagpaandar ang showbiz manager at host na si Ogie Diaz patungkol sa tumatakbong kandidatong si Robin Padilla sa Halalan 2022.

Sa “Showbiz Update” YouTube channel kasi nila ay kabilang sa kanilang paksa ang isang senador na tinatraydor umano ang dating 'Pilipinas Got Talent' judge na ngayon ay isa sa nangunguna sa mga surveys sa pagka-senador.

“Eto nga Loi, merong isang senador na nakikipagkaibigan kay Robin pero ayaw pala niya talaga kay Robin.” pagsisimula ni Ogie.

“At mukhang siya (Robin) ay inilalaglag. Ayaw ko nang banggitin kung sino ang senador na ito ‘no, at ang nakakaloka, kaanib pa niya doon sa kanyang piket,” ani pa ng vlogger.

May komento naman si Mariel Padilla nang makapanayam rin siya ni Ogie. Nagpapasalamat naman daw sila sa mga nagmamahal sa kanyang asawa lalo na't waging-wagi sila sa mga inilalabas na surveys.

“Right now nakakuha kami ng magandang survey, so nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal sa asawa ko saka sa mga naniniwala sa kanya and siyempre hindi natin maiwasan na may mga iba na gusto siyang i-out (ilaglag).

“Naku, matakot kayo sa Panginoon. Ang prayers ko talaga ngayon ay walang mangyaring dayaan sa darating na eleksyon at sana maging okay ang lahat,” banggit pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post