Karla Estrada at KaladKaren, nagsigawan sa kalsada upang iparinig ang sinusuportahan nila sa politika

- Viral sa TikTok ang video nina KaladKaren at Karla Estrada na nagbibiruan sa kanilang mga napupusuang presidente sa Halalan 2022

- Maririnig sa unang segundo pa lang ng video ang "BBM! BBM!" na siya namang dahilan ng biruan ng dalawa

- Kahit magkaiba naman daw sila ng gusto sa mga presidential candidates, kitang-kita naman sa maikling video ang kanilang love sa isa't-isa

Natuwa ang mga 'Kakampinks' at 'Marcos Loyalists' sa video nina KaladKaren at Karla Estrada dahil sa pagiging magkaibigan nito kahit na magkaiba sila ng napupusuang presidente.

Kilalang supporter ng "Gobyernong Tapat" ang impersonator na si KaladKaren habang sinusuportahan naman ni Karla Estrada ang katunggali nitong "UniTeam" na pinangungunahan ng tambalang BBM-Sara.

Sa uploaded video nila sa TikTok, maririnig sa unang bahagi pa lang ng short clip na pabirong sumigaw si KaladKaren ng "BBM! BBM!" na siya namang dahilan ng pagtawa nila.

"Bonggang-bongga! Isa lang isisigaw namin, BBM! BBM!" pabirong hiyaw ni KaladKaren.

Natawa na lamang si Karla sa pakulo ni KaladKaren at napa-react ng, "Haha! Ba't naman tayo napunta don?"

"Charot!" ani KaladKaren habang sabay na tumatawa sa gitna ng motorcade nina Karla para sa bagong bukas na branch ng kanilang KFC.

Ilang saglit lang ay napadaan sila sa kulay rosas na bahay at may mga posters ng Leni-Kiko. Itinuro naman ito ng nobyo ni KaladKaren.

"True! Ito talaga ako eh! Hello mga Kakampink... Totoo 'yan ah!" sabi ng komedyante.

'Di rin maikakaila ang pagkakaroon nila ng 'love' sa isa't-isa lalo na't mababasa sa caption ng video ang "Kahit magkaiba kami ng presidente ni Mamshie Karls, we still love each other."
@iamkaladkaren

Kahit magkaiba kami ng presidente, we love each other ❤️💗

♬ original sound - Kaladkaren Davila

Post a Comment

Previous Post Next Post