Lolit Solis, sinabihang "cute" ang PieDu dahil sa relasyon nila kahit may edad na; Forever na?

- Muling nagtungo si Lolit Solis sa Instagram upang ibahagi na may "kilig factor" pa rin sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache

- Nasabi rin niya na ang mga sweet photos ng PieDu ay talaga namang "cute" 

- Binanggit naman niyang sana raw ay pang-forever na ang relasyon nina Edu at Cherry Pie

Naglabas ng reaksyon ang entertainment host at showbiz manager na si Lolit Solis sa Instagram upang bigyan ng komento ang relasyon ng magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache na mas kilala sa 'PieDu'.

Nabanggit ni Lolit kung gaano ka-'cute' ang dalawa at may "kilig factor" pa rin sa pagitan nito.

"Sweet naman mga photos nila Edu Manzano at Cherry Pie Picache, Salve. Talagang may kilig factor parin ang dalawa kahit pa nga hindi na mga teeners," pagsisimula ni Lolit.

Aniya, 'cute' sila dahil nagawa nilang makahanap ng mga partner kahit na sila'y may edad na. 

"Cute naman kasi na makita na sa edad nila nakakita parin sila ng partner na hinahanap nila. Siguro naman pang forever na ang relasyon nila at sana they grow old together happily. 

"Isa sa pinaka-friendly star si Edu Manzano kaya naman marami ang natutuwa na makita na happy siya with Cherry Pie na isa rin sa may magandang PR among our stars," dagdag pa niya.

Idinugtong pa nga niya ang "Happy together, sana forever, Edu Manzano at Cherry Pie Picache, bongga." sa kanyang caption.

Post a Comment

Previous Post Next Post