Madam Inutz ibinahagi kung paano siya nagkaroon ng 147k sa GCash: "Tapos ang ginawa ng pamangkin ko..."

- Ibinahagi ni Madam Inutz sa 'Magandang Buhay' kung paano umano siya umani ng 147k sa kanyang e-wallet na GCash

- Nagbiro rin ito sa kanyang pagla-live selling noon dahil puro pa-'shout out' lang daw ang ginagawa ng ilan kaya naman wala itong benta

- Minsan nga raw ay sinasabihan na siya ng netizens na huwag na umanong magbenta at i-pin nalang ang kanyang GCash number sa comment section

Nagbalik-tanaw ang internet sensation na si Madam Inutz sa kanyang dating buhay nang maibahagi niya ang kanyang 'di malilimutang experience bilang isang live seller sa Kapamilya morning talk show na "Magandang Buhay".

Bago siya pinagkatuwaan bilang "MAMAbentang online seller ng Cavite" sa 'Pinoy BIg Brother', nauna munang nag-viral ang kanyang mga nakakatawang live selling sa kanyang Facebook page. 

Ngunit hindi naman daw niya alam na nakakatuwa pala sa iba kung paano siya magsalita. Tila mas marami pa nga raw ang mga tumatambay sa kanyang live kaysa mag-'mine' ng mga paninda.

“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta” natatawang sabi ni Madam Inutz.

Mukhang 'shoutout' nga lang ang ambag ng mga viewers ni Madam Inutz dahil wala umanong gustong mag-mine at puro 'pamura' lang ang dahilan ng kanilang panonood.

 “Walang mine. Puro pamura lang talaga,” aniya.

Minsan din ay napansin nina Madam Inutz na may mga nagco-comment na huwag na raw siyang magtinda at sa halip ay i-pin nalang umano niya ang kanyang GCash number.

“Sinasabi nila, andami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number,” pagkukuwento niya.

“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.

“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash,” dagdag niya pa.

“And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng PHP137,000 yung Gcash,” laking gulat ni Madam Inutz nang magising ito isang araw.

Samantala, mapapanood naman si Madam Inutz sa Kapamilya sitcom na "My Papa Pi" kasama ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

Post a Comment

Previous Post Next Post