Michelle Vito, ayaw na pinag-uusapan; May komento sa chikang nabuntis siya ni Enzo Pineda

- Inamin ng aktres na si Michelle Vito na talagang na-stress siya sa balita ng mga netizens na nabuntis siya ng nobyong si Enzo Pineda

- Nagulat nga rin daw si Enzo nang tumawag sa kanya ang kanyang ama upang itanong kung totoong buntis nga si Michelle

- Nagbiro naman ang aktres hinggil sa isyung ito at sinabi pang hindi na raw siya kakain kapag magsu-suot ng swimsuit upang hindi na ma-chismis pa. 

Nakapanayam nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mena ang mag-'dyowang' sina Michelle Vito at Enzo Pineda sa kanilang YouTube vlog para sa panibagong episode ng kanilang programang “Showbiz Update” sa nasabing streaming app. 

Dumalo si Ogie sa unang birthday party ni Baby Felize kaya naman nagkaroon ito ng pagkakataong makapanayam ang aktres na si Michelle Vito upang itanong sa kanya ang chikang nabuntis siya ni Enzo. 

Unang tanong ni Ogie, “Hindi ka ba nabuwisit nu’ng first mong malaman na buntis ka raw.”

“Hindi, pero mas na-stress ako noong ang dami nang tuluy-tuloy nagko-comment. Pero kasi ayaw ko ‘yung parang pinag-uusapan. ‘Yun ‘yung ayaw ko eh,” naka-smile na sagot nito.

Naki-chika rin si Enzo at sinabi pang, “Hindi ko nga alam na may ganu’ng nangyari nu’ng time na ‘yun. Nagulat na lang ako tumawag ‘yung daddy ko, (tinanong) ‘buntis ba si Michelle?’ Sabi ko, ‘hindi ko alam, bakit?’”

Sumagot naman daw ang kayang ama ng, “Kasi nasa news, eh.”

“Huh? Sabi ko, ‘dad wala busog lang si Michelle,’” hirit pa ng aktor sa kanyang ama habang tumatawa.

“Hindi ako kakain pag nag-swimsuit. Hahaha!” ani Michelle at nakisabay nalang sa tawa ang kanyang nobyo.

Post a Comment

Previous Post Next Post