Rufa Mae naghe-'hello' umano ang b**bs: "Manny Pacquiao nasa likod, nag..."

- Viral ang mga kuhang video ng komedyanang si Rufa Mae Quinto dahil sa 'lumuluwang' dibdib nito nang mag-perform ito para kay Sen. Manny Pacquiao

- Kabilang rin sa nagbigay ng reaksyon kay Rufa Mae ay ang kilalang direktor na si Antoinette Jadaone sa pamamagitan ng Twitter account nito

- Napag-usapan naman nina Ogie Diaz at co-hosts nito ang malaking kapansin-pansing b**bs ng komedyana sa recent Showbiz update nito

Nag-viral muli ang kilalang komedyanang si Rufa Mae Quinto dahil sa video nitong nagpe-perform sa campaign rally ni Sen. Manny Pacquiao nitong April 2 sa Dumaguete City. Kitang-kita na masaya ang mga dumalo rito habang nakiki-party sa kantang "Firewroks" ni Katy Perry.

Base sa video at reaksyon ng netizens ay talaga raw na kitang-kita na ang b**bs ni Rufa Mae habang sumasayaw sa rally ni Sen. Pacquiao. Napansin naman ni Rufa ito nang may nagbulong sa kanya dahilan upang inangat niya ang kanyang bra.

Marami namang natuwa kay Rufa dahil ginawa raw niyang tour ang pagsama sa mga campaign rallies ng mga presidential aspirants. Matatandaang sumampa sa entablado ang komedyana sa Zamboanga City upang maki-join sa campaign rally ng UniTeam.

Pati nga ang atensiyon nina Ogie Diaz ay napukaw ng dibdib ni Rufa. Kasama sa chikahan sina Tita Jegs at Mama Loi sa YouTube channel nilang "Showbiz Updates".

“Yung iba ang inakala nila ay parang sinadya raw ni Peachy (Rufa Mae),” ani Ogie.

Sagot ni Mama Loi, “Bakit naman niya sasadyain? Bakit naman niya ipapakita ang b**bs niya, di ba?”

“Baka gustong mag-viral?” saad ni Tita Jegs.

“Pero hindi naman siguro big deal ‘yan kay Peachy kung nag-hello man ang kanyang b**bs. E, alam mo naman si Peachy di ba, dati pa naman?” kontra ni Ogie sa mga nagsasabing sinadya iyon ni Peachy.

Hirit ni Mama Loi, "Bakit?"

“Dati pa naman na siyang nangganyan, parang small deal lang ‘yan, eh,” sabi ni Ogie habang ginagaya ang iconic na boses ni Rufa Mae.

Mama Loi sa boses ni Ogie, “Bakit parang tunog ni Peachy ‘yang (boses) mo."

“Hindi ko magaya ‘yung b**bs niya. Kaya doon man lang sa boses,” pagbibiro naman ni Ogie habang nakangiti.

Dagdag niya, “Sabi nu’ng iba sinadya, sabi naman hindi raw. Buti na lang si Senator Manny Pacquiao nasa likod, nagse-cellphone yata.”

“Katabi pa ni senator si Jinky (asawa),” singit naman ulit ni Mama Loi.

Pati nga raw si Annabelle Rama ay halos 'di na makita sa laki ng dibdib ni Ruffa. 

Nakita naman daw ni Ogie si Pokwang sa pinuntahan nilang rally sa Rizal.

“Siyempre natanong namin sa kanya, nagmahadera kami para lang may mailaman dito sa show namin. Kung para sa kanya (Pokwang) ay sinadya iyon ni Peachy o hindi naman,” ani Ogie habang ala-Rufa Mae pa rin siya.

Tanong naman ni Ogie kay Pokwang, “Mare, ano ang aasahan namin dito? Magpapakita ka rin ba ng d*de?”

“Bakit meron bang ipapakita? Wala ngang laman ‘to, eh (tingin sa dibdib). Pilit na pilit. Bakit naman ninyo natanong tungkol sa d*de, ano ‘yun?” sagot ni Pokwang.

Pagkatapos ay ikinuwento na ni Ogie ang nangyari sa b**bs ng komedyana.

“Talaga? Ah, sana hindi sinasadya, ha? Kasi kapag ano, hirap na may mga anak na tayo, di ba? Sana hindi sinadya, ‘yun lang! Kung sinadya ay hindi maganda kasi may anak na tayo, eh. Paano ‘yun? Paano pag nag-viral ‘yun? Okay lang kung mga dalaga pa tayo.

“Alam naman natin na si Peachy ay ganu’n lang ‘yun na come-comedy. Hindi naman naiiwasan ang wardrobe malfunction, pero next time mag-ingat na lang. ‘Wag na nating pakialam ‘yun o inggit lang tayo kasi walang laman?” pahayag ni Pokwang.

“So, mag-iingat ka ngayon sa performance mo?” tanong naman ulit ni Ogie sa kanya.

 “Oo, sabay mag-iingat talaga" natatawang sabi ni Pokwang habang pabirong pinapakita ang kanyang balikat.

Post a Comment

Previous Post Next Post