Donny, tinawag na 'babe' si Belle; Nagsubuan umano gamit ang chopstick sa resto?

- Viral ang TikTok video kung saan makikitang tinatawag ni Donny si Belle bilang kanyang 'babe'

- Kilig naman ang naramdaman ng mga fans ng Kapamilya loveteam dahil nadulas daw si Donny sa pagtawag kay Belle bilang babe

- Isa pa sa pumukaw ng atensiyon ay ang komento kung saan nakita raw ng isang netizen na kumakain ang DonBelle at nagsusubuan pa gamit ang chopstick

Viral ang uploaded video ng isang DonBelle fan sa TikTok na dumadalo ang Kapamilya loveteam sa nagdaang Leni-Kiko campaign rally na inulan ng kilig dahil sa 'pagkakadulas' umano ni Donny Pangilinan.

Ngunit bago ang kilig na naramdaman ng netizens, naikwento ni Belle kung paano na lumalaki ang closeness nila ni Donny. 

Habang nagsimula nang mag-stream online ang He’s into Her Season 2 noong huling bahagi ng Abril, sinabi ng lead actress na si Belle Mariano na bumalik siya sa set na medyo mangangamba sa pagkakataong ito.

Pagdating sa matagumpay na loveteam nila ni Donny Pangilinan, ayon kay Belle ay maaasahan ng kanilang mga tagahanga ang mas mature na bersyon ang kanilang mga karakter sa pagkakataong ito kaakibat ng kani-kanilang kwento, at maging ang kanilang pag-arte ay lumevel-up rin.

Sa nasabing TikTok video naman na inupload ng username na si Dynea8, ipinost nito ang video clip kung saan makikitang binigkas ni Donny ang “Tara, Babe” habang kinakausap ang kanyang rumored girlfriend.

May komento naman Jeremy Oaing na umani ng ilang reaksyon. Aniya, “nakasabayan ko to kahapon sa airport ehh HAHAHA magkasamang kumain sa isang food restaurant kaso nakakahiyang magpa picture nagtatago ng mukha ehh”

Nag-reply naman ang isa pang DonBelle fan sa comment na ito ni Jeremy kung sinong kasama nila at kung magjowa ang 'galawan'. 

“hala omg sweet po ba sila? like parang mag jowa ang galawan? hehe asking for a friend”

Naging tugon naman nito, “Mama tas kapatid po ni Donny, suwerte ni belle very supportive family ni donny... subuan pa nga ehh gamit chopstick.”
@dynea8 Walang babasag, narinig nung mga nasa harap! 😭🙉 #donbelle #donnypangilinan #bellemariano #fyp #fypシ ♬ original sound - JRed10

Post a Comment

Previous Post Next Post