Jam Magno, may pinagdadaanang sakit? Ogie Diaz, pinapapunta siya sa psychiatrist: "sinusumpong na naman"

- Tinirada ni Ogie Diaz ang proud DDS na si Jam Magno na mayroon daw umanong mental issue si Jam

- Sinabi kasi nito na nagagalit daw ang mga 'Kakampwets' kay Mayor Vico Sotto dahil sa pagpaparinig umano nito kay VP Leni

- Sinusumpong na nga raw siyang muli at dapat daw ay magpunta na siya sa kanyang psychiatrist para magamot na ang kanyang mental issue

Muli na namang nag-ingay ang proud 'DDS' o 'Die-hard Duterte Supporter' na si Jam Magno sa kanyang Twitter account na kamakailan ay na-ban dahil umano sa paglabag sa patakaran ng kompanya.

Nakailan na ring Tweet ang kilalang YouTuber laban sa mga Leni supporters o 'Kakampinks' kaya naman hinala ng marami ay ito ang dahilan upang ma-restrict ang kanyang account sa Twitter platform.

Pagkatapos mawala ng ilang beses si Jam sa pagti-tweet, nagbalik muli ito upang makipag-sagutan sa mga Kakampinks sa sinabi ni Mayor Vico Sotto na sa tingin ni Jam ay si Vice President Leni Robredo ang pinaparinggan.

Kuha mula sa quote card ng Philippine Star, pinost ito ni Jam sa kanyang Twitter account at may nakalapat pang caption upang tirahin ang mga VP Leni supporters. Tinawag niya rin ang mga Kakampinks bilang mga 'Kakampwets' at inakusahan pa ang mga 'Dilawan' na nagnakaw 'di umano.

"Kaya pala galit na galit ang mga Kakampwets kay Vico Sotto kasi pinaringgan pala nito si Leni sa laki ng ginastos nito sa kampanya. Si Leni kasi yung top spender with 1 Trillion Pesos. Binenta na ata yung naharang na 3,500 Metric Tons ng Ginto na pinuslit ng mga Dilawan." ani Jam.

Nag-QRT naman ang showbiz vlogger na si Ogie Diaz sa mga sinabi ni Jam at sana raw ay bumisita na ito sa kanyang psychiatrist dahil sinusumpong muli ito ng kanyang sakit.

“Dapat dito ke ate gurl, bumisita na sa kanyang psychiatrist. Alam ko me pinagdadaanan siya mentally. Sinusumpong na naman." maanghang na reply dito ng showbiz manager.

Post a Comment

Previous Post Next Post