NALAMBAT operatiba ng Oplan Maharlika sa Allen Northern Samar ang isang kinarnap na kotse mula sa Tarlac City.
Pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Martes, March 28 nang parahin ng pinagsanib na puwersa ng Highway Patrol Northern Samar at Northern Samar Oplan Maharlika ang kulay orange na Toyota Vios na may plakang CAI 1585.
Narekober din mula sa mga sakay ng kotse na sina Jabbar Angni Azis, 29 anyos, residente ng Munai, Lanao Del Norte; Aminollah Moti H Mohammad, 43 anyos, residente ng Pantao, Ragat, Lanao Del Norte at Amenodeh Agul Mamao, 32 anyos, residente ng Victory Norte, Santiago City, Isabela ang ibat-ibang uri ng armas.
Nasa kostudiya na ng Allen Municipal Police Station ang nakaw na sasakyan pati na ang mga nakumpiskang droga at mga armas para sa beripikasyon.

March 28, 2023 | Ricky Brozas
Tags:
Breaking News